15 pesos na minimum na pamasahe sa tricycle, hinihiling sa City Council

Hinihiling ng mga tricycle operators and drivers sa Sangguniang Panlungsod ang dagdag na 3 pesos sa minimum na pamasahe sa lungsod ng Puerto Princesa.

Ayon kay Efnie Lusoc, Federation President PPC-TODA, mula sa 12 pesos na minimum na pamasahe ay nais nilang gawin itong 15 pesos.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Iginiit nito na tanging minimum lamang ang nais nilang dagdagan habang mananatili naman ang 2 pesos na dagdag sa bawat kilometro.

Bunsod umano ito ng mataas na presyo ng gasolina at ang pagmahal ng piyesa ng sasakyan.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Dagdag pa ni Lusoc, habang pinag-uusapan pa sa City Council ang dagdag minimum na pamasahe ay hiling nito na magkaroon muna ng subsidy sa gasoline ng mga namamasadang tricycle.