SORSOGON CITY- Natanggap na ng 15 centenarians mula sa lungsod ng Sorsogon ang kani-kanilang financial assistance na P100, 000.00.
Ayon sa staff ng Office of Senior Citizen (OSCA) na si Analisa Padilla, 15 ang kabuuang bilang na centenarians ang kanilang naitala simula nang ipatupad ang program noong 2016.
Paliwanag pa nito, simula noong 2017 ay limang centenarians ang nabigyan nila ng financial assistance; tatlo noong taong 2018 at 2019; at tig-dalawa noong nakaraang taon at ngayong 2021.
Aniya pa, sa susunod na taon o 2022, ay may apat na centenarian candidates ang nasa kanilang talaan na makatatanggap ng nasabing cash incentives.
Ang nasabing programa ng lokal na pamahalaan ay alinsunod sa implementasyon ng RA 10868 o ang Centenarian Act of 2016 na pamamahagi ng pinansyal na tulong para sa mga Senior Citizen na edad 100 pataas.
