SORSOGON CITY—Sumampa na sa 44 ang aktibong kaso ng Covid-19 sa lalawigan ng Sorsogon matapos na makapagtala ng 15 bagong kaso kahapon.
Sa inilabas na datos ng Sorsogon Provincial Health Office (PHO), 12 sa mga mga nagpositibo ay mula sa lungsod ng Sorsogon, dalawa mula sa bayan ng Prieto Diaz, habang isa naman ang mula sa bayan ng Barcelona.
11 mula sa nasabing bilang ay walang travel history, habang dalawa naman ang mga Health Care Workers at mayroong travel history.
Sa kabuuan, umabot na sa 8,451 ang cumulative case ng Covid-19 sa lalawigan, nananatili naman sa 477 ang mga namatay habang umabot na sa 7,930 ang total recoveries matapos na makarekober ang limang mga pasyente, tatlo mula sa bayan ng Bulusan, habang tig-isa naman ang bayan ng Gubat at lungsod ng Sorsogon.
