14 patay sa ‘cable car’ accident sa Italy

Umakyat sa 14 na tao ang patay matapos bumbagsak ang cable car sa northern Italy.

Ayon sa report, sakay ng grupo ng mga tao sa Strea-Mottarone cable car na nagkokonekta sa bayan ng Stresa sa Lake Maggiore sa kalapit na Mottarone mountain sa Piedmont region nang bumagsak sa mapunong bahagi.

Read More:  2 foreign tourists die in suspected electrocution incident at luxury hotel pool in India

Unang napaulat na nakaligtas ang dalawang bata na kabilang sa mga sakay ng cable car subalit kalaunan ay kinumpirma ng National Alpine Speleological Rescue Corps na binawian ng buhay ang isa sa mga ito habang nananatili sa kritikal ang isa pa.

Read More:  Nearly 89,000 evacuated in India as Cyclone Arnab approaches

Napag-alaman na umabot sa 300 meters mula sa tuktok ng bundok ang pinagbagsakan ng cable.

Nagpaabot ng pakikiramay si Italian Prime Minister Mario Draghi sa pamilya ng mga namatay.