CAMARINES NORTE- Nakapagtala ng 14 na panibagong kaso ng COVID-19 ang lalawigan ng Camarines Norte nitong weekend
Sa report ng DOH Bicol, Nitong sabado ay naitalaang 12 panibagong kaso ng naturang sakit kung saan 7 ang mula sa bayan ng Daet, 3 mula Sta. Elena at may tig-1 kaso ang naitala sa bayan ng Labo at San Lorenzo ruiz
Habang kahapon ay nakapagtala ang DOH ng tig-1 kaso mula sa bayan ng Labo at Paracale
Sa kasalukuyan mayroon ng 396 na ang kabuuang bilang ng mga naitatalang kaso ng sakit sa lalawigan
Mula sa bilang na nabanggit ay sumampa na sa 139 ang aktibong kaso, habang ang mga nakarekober sa sakit ay nananatili sa 237 at 20 ang naitalang pagkasawi
Samantala, may naitalang 28 angh nagnegaitbo ang resulta matapos na sumailalim sa swab test
Patuloy naman ang paalala ng DOH at Camarines Norte PHO ang pagsunod sa health safety protocols kagaya ng pagsusuot ng face Mask at Faceshield, 𝐈sanitize ang mga kamay at iwasan ang kulob na lugar, dumistansiya ng isang metro at limitahan ang interaksyon sa iba
Mahalaga rin na alamin ang totoong impormasyon at suportahan ang approved na bakuna!

