Umabot sa 14 katao ang nasawi matapos ang missile strike sa Odessa apartment building sa Ukraine habang nasa 30 katao naman ang nasugatan.
Ayon kay Odessa military administration spokesman Sergei Bratchuk, nagmula ang strike sa Black Sea na isinagawa umano ng isang aircraft.

Sinabi ng mga opisyal doon na partially destroyed ang 9-story building sa Bilgorod-Dnistrovsky district.
Samantala, matatandaang binomba din ang shopping center sa Kremenchuk sa naturang bansa kung saan nasa 18 katao naman ang namatay. (ARGIE ERGINA)