14 anyos na dalagita sugatan matapos masagi ng motorsiklo habang nagbibisikleta sa Capalonga

CAMARINES NORTE- Sugatan ang isang menor de edad na babae makaraang masagi ng motorsiklo habang nagbibisikleta sa Purok 2, Barangay Alayao, Capalonga, Camarines Norte kahapon ng umaga.

Ayon sa ulat ni PCapt Teddy Flaga, hepe ng Capalonga Municipal Police Station, patungo sa bayan ng Labo ang motorsiklong minamaneho ng isang nagngangalang  Mark Roland Calzado y Ilan, 29 anyos nang masagi nito ang 14 anyos na biktima na kinilala lang na si alyas “Nene” habang nagbibisikleta.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Nag overtake umano ang motorsiklo kaya nasagi ang dalagita.

Dahil sa pangyayaring ay natumba ang biktima sa sementadong kalsada at nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Agad naman itong dinala sa CNPH- Annex II Hospital sa Brgy. Catioan, sa naturang bayan ng mga rumespondeng opisyales ng barangay upang malapatan ng paunang lunas medikal.

Read More:  Senior couple stabbed after offering shelter from rain to stranger in Cebu

Pero kalaunan ay  din ito sa Camarines Norte Provincial Hospital biktima para sa kanyang medikasyon.

Ang drayber  namanng motorsiklo ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Capalonga MPS para sa kaukulang disposisyon.

Paalala ng mga awtoridad sa lahat ng mga nagmamaneho na pairalin ang pag iingat tuwina upang iwas disgrasya.