13th month pension matatanggap na ng mga pensiyonado ng SSS simula ngayong araw

CAMARINES NORTE – Inihayag ng Social Security System (SSS) na matatanggap na simula ngayong araw ang 13th month pension ng mga pensyonado kasabay ng kanilang December pension.

Sa panayam ng Brigada News FM sinabi ni SSS Daet Branch Head Ermina Maria Robredo na by batch ang release ng 13th month pension depende sa contingency date.

December 1 ang release para sa contingency date na December 1- 15 at December 4 naman para sa contingency date na December 16 hanggang katapusan ng buwan.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Sa mga tumatanggap naman ng pensyon sa pamamagitan ng tseke, ang SSS ay makikipag ugnayan sa Philippine Postal Corporation upang mapabilis ang pagpapadala ng mga tseke sa home address ng bawat pensyonado.

Ipinaliwanag ni Robredo kung bakit by batch at hindi isahan ang pag release ng 13th month pension.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Sa kabilang dako, ang mga pensyonado na nasuspinde ang pensyon dahil sa kabiguang mag- comply sa Annual Confirmation of Pensioners (ACOP) ay hindi matatanggap ang kanilang December at 13th month pension ngayong buwan.

Maging ang mga may problema o nahaharap sa reklamo ay maantala o hindi rin matatanggap ang 13th month pension.