CAMARINES NORTE – Magpapatuloy hanggang ngayong araw, December 1, 2023 ang Philippine Identification System o PhilSys registration sa SSS Daet Branch sa Central Plaza Complex dito sa bayan ng Daet.
Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni SSS Daet Branch Head Ermina Maria Robredo na apat na araw ang data at photo capturing na ginaganap sa kanilang opisina.
Ito umano ay para matulungan din ng SSS ang PSA na mas marami ang mairehistro sa PhilSys.
Isa raw kasi ang SSS sa pinupuntahan ng maraming tao kaya magandang pagkakataon ito para sa PSA.
Batay sa pinakahuling datos ng PSA nasa 477, 810 individual na ang nairehistro sa Philsys sa lalawigan ng Camarines Norte mula noong June 2021 hanggang nitong October 2023 o mahigit 91 % sa 523, 545 target population edad limang taong gulang pababa.
