13M data ng mga indibidwal, nakompromisa sa PhilHealth ransomware attack

Kinumpirma ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na may mahigit 13 milyong data ang nakompromiso sa pag-atake ng database ng ahensya.

Read More:  House prosecutor says VP Sara Duterte cannot be mere spectator in impeachment trial

Ayon kay Data Privacy Officer Nerissa Santiago, hindi pa matukoy ng PhilHealth ang eksaktong bilang ng apektadong indibidwal.

Sa kabila nito, inaasahan nila na aabot ito ng 13 hanggang 20 milyon, kabilang na ang 600 hanggang 800 na empleyado.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Sa ngayon, pinag-aaralan pa nila ang mga natanggap nilang impormasyon mula sa Department of Information and Communications Technology (DICT).