132 kaso ng dengue naitala sa buong Camarines Sur

NAGA CITY- 132 ang naitalang kaso ng dengue sa buong Camarines Sur kasama na rito ang sa Naga City base sa tala ng Department of Health Bicol.

Sa datus makikita na noong 2021, mula Enero 1 hanggang Abril , 99 ang kaso habang tumaas ng 33% sa parehong panahon nitong 2022.  Ito ang pinakamataas sa Bicol Region. Nasundan ng Camarines Norte na may 40 dengue cases.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Sa 229 na kaso sa Bicol , isa lang ang nasawi at ito ay mula rin sa lalawigan ng Camarines Sur.

Read More:  4 NPA members surrender after death of top leader in Surigao clash

Ayon sa Entomologist na si John Dominic Bolunia ng DOH-Bicol kailangan mapaigting ng LGUs lalo na ang Naga City ang kanilang kampanya laban sa dengue, pagtuunan ng pansin ang paglilinis ng kapaligiran.