Lalaki, patay matapos mabangga ng truck

Idineklarang dead-on-arrival ang isang lalaki matapos itong mabangga ng isang track noong sabado, ika-15 ng Hunyo sa Lungsod ng Ilagan partikular sa Barangay Rugao.

Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News Team, kinilala ang nasawi na si Leymar Bautista, 26-anyos, residente ng Brgy. Bangag, habang ang drayber ng truck ay kinilalang si Lorimar Lugo, 38-anyos.

Lumalabas sa imbestigasyon ng mga pulis na magbiya-biyahe sana ng mangga ang truck kung saan patungo ito sa pa-hilagang direksiyon habang binabagtas naman ng biktima ang kasalungat na direksiyon.

Batay sa ulat, mabilis ang naging patakbo ng biktima sa kaniyang motorsiklo kaya ito nag-overshoot at napunta sa linya ng truck na naging dahilan ng pagkakasalpok nito.

Nadamay naman sa insidente ang isang sasakyan na nakaparada lamang sa gilid ng kalsada.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *