KORONADAL CITY — LABING-TATLONG armadong miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF na kinabibilangan ng anim na mga bomb experts ang sumuko sa 601st Brigade ng Philippine Army sa lungsod ng Tacurong.
Kinumperma ni Brig. General Roy Galido, commander ng 601st Brigade ng Philippine Army na pawang mga miyembro ng BIFF-Karialan Faction ang mga sumuko.
Dala ng mga ito ang iba’t-ibang uri ng armas na kinabibilangan ng M79 grenade launchers, isang M14 assault riffle, isang sniper, tatlong machine pistols, isang anti-tank rocket launchers at 40 mm grenade projectiles.
Pinuri naman ni Maj. Gen. Juvymax Uy, commander ng 6th Infantry Division ng Philippine Army ang 601st Brigade sa ginawang pag-kumbinse sa mga miyembro ng BIFF na magbalik-loob na sa gobyerno.
Sa datus ng 6th ID, hindi bababa sa 100 ang bilang ng mga armadong BIFF ang sumuko sa militar mula sa mga lalawigan ng Maguindanao at Sultan Kudarat sa nakaraang 15 buwan.
(Photo Courtesy of 6th Infantry Division – Kampilan)
