Maglalatag ng nasa 12,000 vaccination sites ang Department of Health (DOH) para sa ikatlong national vaccination drive laban sa COVID-19 na gaganapin mula Pebrero 10 hangang 11.
Sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na katuwang ngayong ng pamahalaan ang private sector, religious sector, at medical societies sa pagsasagawa ng “Bayanihan, Bakunahan vaccination drive.

Dagdag pa ni Vergeire na ang mga site para sa national drive ay ihihiwalay mula sa nagpapatuloy na pagbabakuna sa mga bata na may edad lima hanggang 11 taong gulang.
Ito umano ay upang maiwasan ang mga pagkakamali sa pagbibigay ng mga bakuna dahil ang formulation ng doses para sa age group ay iba.
Una nang sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na target ng gobyerno na mag-inoculate ng hanggang 6 na milyong tao sa ikatlong pagbabakuna kung saan sakop nito ang lahat ng may edad 12 taong gulang pataas.