Inihayag ng Department of Health Bicol na hindi kailangan magdala ng RTPCR o Antigen Test results sa pagdodonate ng dugo.
Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Recruitment Officer Nicole Anne Bejo ng Regional Voluntary Blood Services, sinabi nito na ang mga magdodonate ng dugo parehong nabakunahan at hindi nabakunahan ay dadaan sa mahigpit na screening na tutukoy kung ang donor ay maaaring mag-donate o hindi.
Dagdag pa ni Bejo sinisiguro anya ng ahensya na sa pagsasagawa ng mobile blood donation ay susunod parin sila sa mga health protocols tulad ng social distancing at pagsusuot ng mask.
Para sa karagdagang impormasyon maaring bisitahin ang kanilang facebook page na Bicol Regional Blood Center-BCHD para ma-update sa mga lugar kung saan o kailan may gaganapin na mobile blood donation.