12 anyos na grade 6 student mula sa Jose Panganiban nakasungkit ng gintong medalya sa nagpapatuloy na Palarong Pambansa

CAMARINES NORTE – Nakasungkit ng gintong medalya ang isang 12 anyos na Grade 6 student mula sa San Pedro Elementary School sa bayan ng Jose Panganiban sa 1,500m run finals.

Nakuha ni Rica Villaluna Rile ang ika- sampung ginto ng Bicol Region sa nagpapatuloy na Palarong Pambansa na ginaganap sa Marikina.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Nagsilbing coaches ni Rile sina Michelle Donayon at Nilo Candelaria habang ang kaniya namang trainors ay sina Silvano Ilao at Rowena Barcia.

Ayon kay  Division Information Officer Antonio Ahmad nasa 42 player ang nagmula sa Camarines Norte at walong coaches na bahagi ng delegasyon ng Bicol Region.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Wala pang inilalabas sa ngayon na kumpletong listahan ang Division Office hinggil sa iba pang nakasungkit ng medalya.

Bumuhos naman ang congratulatory message kay Rile mula sa mga proud Cam Norteños.

Nagpaabot na rin ng pagbati si Schools Division Superintendent Tito Morcilla