Nalunod sa isang imbakan ng tubig ang 12-anyos na bata sa Brgy. Roxas Naguilian, Isabela dakong alas 6:30 ng gabi noong July 13, 2021.
Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay PMaj. Merwin Villanueva, ang hepe ng PNP Naguilian, naglalaro lamang umano ang biktima kasama ang kanyang mga kaibigan malapit sa pinangyarihan ng insidente nang napagdesisyunan umano nitong lumangoy sa naturang imbakan ng tubig.
Aniya, mayroong lalim na 3-5 na talampakan ang naturang imbakan ng tubig at nasa 200 meters lamang ang layo nito mula sa kanilang tahanan.
Ayon pa kay PMaj Villanueva,ang nasabing water impounding system kung saan hinukay lamang ito ng mga residente upang masuplayan ng tubig ang kanilang sakahan.
Nang magtungo na umano ang ama ng biktima sa pinangyarihan ng insidente ay hindi na nito mahanap ang kaniyang anak kaya’t humingi na ito ng tulong sa kapulisan na nasa checkpoint.
Kasama ang mga kawani ng MDRRMO ay narekober ang katawan ng bata sa imbakan ng tubig at naidala pa sa pagamutan ngunit idineklara nang dead on arrival.
Samantala, pinaalalahanan naman ni PMaj. Villanueva ang mga pulis sa barangay na bantayan ang mga nasabing lugar habang magpapatuloy naman ang Oplan SumVac ng PNP Naguilian upang mabantayan ang mga ilog at paalalahanan ang mga magulang na bantayan ang mga anak upang hindi na maulit pa ang naturang pangyayari.