12-anyos na babae natagpuang patay sa damuhan sa Nabua Camarines Sur; P100K na pabuya sa makapagtuturo ng responsable sa krimen ipinangako

NAGA CITY-  Hustiya ang sigaw ng mga kaanak at kaibigan ng 12-anyos na babaeng natagpuang patay sa damuhan sa  Barangay Bustrac, Nabua Camarines Sur.

Ayon sa PNP Nabua, positibong nakilala ng lola ang biktima na si “Trixia” residente ng  San Antonio Ogbon. Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PMaj. Divino Pelea, Hepe ng Nabua MPS, kinumpirma nitong ang bangkay ay ang naiulat na nawawala mula pa noong Aug. 4.

Putol ang binti nito, binigyang diin pa ng hepe na hindi pa kumpirmado kung ginasaha at tsi-nachop ang biktima. Sa pagkaputol ng binti tinitingnan din kung linapa ito ng hayop ayon sa SOCO lalo pa’t nasa state of decomposition na ito. Nagpapatuloy aniya ang imbestigasyon katuwang ang SOCO.

Read More:  20-year-old caretaker killed in Cebu robbery case

May itinuturong suspek ang mga residente lalo pa’t may  nakakita sa mga lalaking huling kasama na sumundo umano sa biktima ilang araw na ang nakararaan.

Samantala, mayroong paa na natagpuan sa Barangay Padang, Legazpi City.

Read More:  Top NPA leader killed in Surigao del Sur encounter

Iniuugnay ito ng netizen sa bangkay, subalit inihayag sa  BNFM ni Pelea na sa ngayon hindi pa nila ito makukumpirma.

Ang pangyayari ay ikinabigla ng mga taga Rinconada Area, maging si Mayor Madel Alfelor ng Iriga City ay nagpaabot ng pakikiramay at nangako ng P100K na pabuya sa nakapagtuturo ng responsable sa krimen.

Kinukundena ng LGU Nabua ang pamamaslang, nangakong makikipagtulungan sa imbestigasyon at tutulong sa pamilya.