116 lugar sa bansa isinailalim sa granular lockdown – PNP

Umakyat na sa 116 mga lugar sa buong Pilipinas ang isinailalim sa granular lockdown.

Sa datus ng Philippine National Police, 76 na mga lugar na naka lockdown ay nasa National Capital Region, 33 mula sa Cagayan, 5 sa Mimaropa habang tig-isa naman sa Ilocos at Cordillera.

Read More:  Palace open to corruption probe with sufficient evidence

Aabot naman sa 446 indibidwal ang apektado ng naturang lockdowns.

Para matiyak na masusunod ang minimum health standards nagdeploy ang PNP ng 191 personnel at 225 force multipliers.

Read More:  Cayetano backs SEA Games probe, seeks flood control investigation

Nabatid na ipinapatupad ang granular lockdowns sa mga lugar na itinuturing ng mga LGUs bilang critical zones sa kanilang nasasakupan.