Tinawag na pakialamera ni Senador Imee Marcos si United Nations (UN) Special Rapporteur Irene Khan para sa paghimok nitong buwagin ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Kinwesityon ng Senadora ang kanyang kaalaman at karapatan sa kung ano ang dapat gawin ng gobyerno, na nabuo niya lang sa pamamagaitan ng sampung araw niyang pagbisita sa bansa.
Nagbanta rin aniya ang dayuhan na nakasalalay sa kanya ang plano ng Pilipinas na pamunuan ang UN Commission on the Status of Women at makakuha ng puwesto sa UN Security Council.
Sinabi rin ni Marcos na ang panawagan ni Khan ay hindi na nakakagulat, dahil sa matagal na niyang pagkiling sa Amnesty International.
Para kay Senador, ang pagbuwag sa NTF-ELCAC ay magiging “counter-productive” at mapanganib dahil libu-libong rebelde ang mapayapang makakabalik sa larangan ng batas.