112-year-old Puerto Rican kinilala bilang bagong world’s oldest living man

Sabi nila life is short kaya gawin mo lahat ng makakapagpasaya sayo basta’t wala kang inaapakang ibang tao.

Marahil ay tama naman ito, pero binali ito ng isang lolo sa Puerto Rico na ngayon ay umaabot na ng 112 taong gulang.

Ang Puerto Rican na si Emilio Flores Marquez ng Trujillo Alto ay kinilala ng Guinness World Records bilang bagong may hawak ng record sa pinakamatandang taong nabubuhay sa mundo sa edad na 112 years and 326 days old.

Isinilang si Marquez noong August 8, 1908 sa Carolina, Puerto Rico at pangalawa sa 11 magkakapatid.

Ayon sa kanya, pinalaki siya ng kanyang ama na puno ng pagmamahal at tinuruan siya nitong mahalin din ang kapwa. Lagi umano nitong ipinapaalala sa kanilang magkakapatid na laging gumawa ng mabuti at ibahagi rin ito sa iba.

Sa loob ng 75 taon ay nakasama nito ang kanyang kabiyak na si Andrea Perez De Flores na pumanaw noong 2010. Nagkaroon sila ng apat na anak pero dalawa na lamang sa mga ito ang nabubuhay ngayon.

Mababatid na dating hawak ng Romanian na si Dumitru Comanescu ang record para sa world’s oldest living man pero pumanaw na ito noong June 27, 2020, sa edad na 111 years, 219 days old.

Nahawakan lamang nito ang record ng halos isang buwan bago tuluyang namatay. || Shiela Madrigalejos