FIFA Futsal Women’s World Cup 2025 – gaganapin sa Pilipinas

Inanunsyo ng Federation International de Football Association na sa Pilipinas gaganapin ang FIFA Futsal Women’s World Cup 2025.

Mababatid noong May 15, 2024 nakuha ng Pilipinas ang hosting rights para sa naturang palaro. 

Ayon kay FIFA President Gianni Infantino, sa Nobyembre 21 na magsisimula ang opening matches kung saan ang mga lalahok na koponan mula sa iba’t ibang bansa ay maglalaban-laban para mapabilang sa 16 na grupong papasok sa finals.