11 dekalibreng mga baril at mga bala na pinaniniwalaang pag-aari ng NPA, narekober sa Albay

LEGAZPI CITY – Nahukay ng 49IB katuwang ang CIDG at PNP Albay ang mga baril, magazine at samu’t saring mga bala na pinaniniwalaang pag-aari umano ng New People’s Army (NPA) sa Brgy. Tablon, Oas, Albay.

Ayon sa Philippine Army, nakatanggap sila ng impormasyon ukol sa umano’y itinagong mga armas ng NPA sa nasabing lugar, kaya’t agad nila itong pinuntahan at pagdating sa lugar ay ginalugad at naghukay ang mga tauhan, saka tumambad ang walong M16 rifle, isang M203, M14 rifle, sniper rifle, mga magazine at mga bala ng matataas na kalibre ng baril.

Pinaniniwalaang itinago ng NPA ang mga armas dahil sa limitado na nitong pwersa dulot ng sunod-sunod na pagsuko, pagkakaaresto at pagkakasawi sa enkwentro ng kanilang mga lider at miyembro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *