Finnish PM Marin, humingi na ng ‘sorry’ sa isyu ng ‘party lifestyle’

Humingi ng “sorry” si Finnish Prime Minister Sanna Marin sa mga lumabas na topless photo ng ilan niyang bisita sa kanyang official residence.

Ang paghingi ng paumanhin ni Marin ay kasunod din ng mga alegasyon na masyado itong lulong sa party lifestyle.

Boluntaryo na din itong sumailalim sa drug test para matuldukan ang mga espekulasyon na siya ay gumagamit ng illegal drugs kung saan lumabas na negatibo ito.

Una nang lumabas ang picture ng dalawang kilalang influencers sa kanilang bansa na kuha sa kanyang official residence kung saan kumalat ito sa social media.

Aminado naman si Marin na hindi tama ang mga larawan kung saan kita ang paghahalikan ng dalawang babaeng bisita habang tinatakpan ang kanilang mga hubad na dibdib.

Ipinaliwanag ni Marin na nag-sauna sila at nag-swimming at iginiit na wala namang extraordinary na nangyari sa kanilang get-together. (LEO NAVARRO-MALICDEM)