11 barangays sa Cauayan City, idineklara nang drug-cleared

Labin-isang barangay sa lunsod ng Cauayan ang panibagong idinekalang drug-cleared ng Regional Oversight Committee on Barangay Drug Clearing (ROCBDC).

Ito ang kinumpirma ni PIO PLt. Scarlette Topinio ng PNP-Cauayan City sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan.

Ito ay kinabibilangan ng Brgy. Alicaocao, District 2, Daburab, Labinab, Nagrumboan, Nungnungan 1, Minante 2, San Francisco, Sillawit, Tagaran at Villa Concepcion.

Sinabi niya na mula sa 65 barangays sa lunsod ay mayroon nang 40 ang drug-cleared habang 19 naman ang drug free.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Kaugnay nito ay anim nalang aniya na barangay ang kasalukuyan pang sumasailalim sa validation bago tuluyang maideklarang drug-cleared.

Aniya, ito ay nagpapakita lamang na epekltibo ang ginagawang drug clearing operations ng PNP Cauayan at kampaniya kontra iligal na droga.

Bagaman aminado siyang hindi naman 100% pa na nawawala ang illegal drugs sa syudad subalit patuloy aniya ang mga ikinakasang maigting na operasyon ng kapulisan upang mapuksa ito.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Sa ngayon batay aniya sa kanilang assessment at monitoring ay wala namang mga malalaking grupo o maituturing na “big fish” na nasa likod ng mga illegal drug activities sa lunsod.

Umaasa naman ito na maideklara na ring drug cleared ang anim na natitira pang barangay upang makamit na rin ang paggiging drug-cleared city ng Cauayan.

Samantala, kasabay din ng isinagawang aktibidad noong November 19 ay ang deklarasyon ng pagiging drug-cleared ng 9 barangays sa City of Ilagan at isa sa bayan ng Reina Mercedes.