105 hog raisers sa Cauayan City, target na maging recipient ng sentineling program ng DA Region 2

Nasa 105 na hog raisers sa lunsod ng Cauayan ang inaasahang recipients ng Sentineling Program ng Department of Agriculture Region 2.

Sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay City Veterinarian Dr. Ronald Dalauidao, kasalukuyan na ang validation ng provincial veterinary at regional office para sa tuluyang pamamahagi ng ng sentinel pigs.

Paliwanag niya na ang mga benepisaryo ay ang mga hog raisers na hindi nasailalim sa culling ng city vet ang kanilang mga alagang baboy kundi nauna nang namatayan ng mga alagang baboy noon.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Aniya, karamihan sa mga recipients ng sentinel pigs ay ang mga hog raisers sa mga hard hit areas sa lunsod tulad ng Tanap Region.

Unang makakatanggap ng isang piraso ng biik ang hog raiser at makalipas ang 45 days na hindi na ito tinamaan ng ASF ay bibigyan umano ng karagdagang 2 pang piraso ng biik ng DA kung saan sagot ng ahensya ang pagkain ng mga sentinel pigs.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Ayon pa kay Dr. Dalauidao, dahil pansamantalang naantala ang validation ng provincial at regional office noong nakaraang buwan ay inaasahang maipagpapatuloy ito ngayong buwan ng Setyembre.