Inanunsyo ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na sinimulan na ang rollout ng nasa 10 million pieces ng mga bagong P1,000-polymer banknotes sa publiko.
Ang naturang pera ay prinodyus ng Reserve Bank of Australia kasama ng kanilang subsidiary na Note Printing Australia gamit ang kaparehong materyal ng banknotes sa Australia, Canada, Mexico, New Zealand at United Kingdom.

Ayon sa BSP, 0.7% ang katumbas ng estimated combined number ng P1,000 paper at polymer banknotes na sinimulan ng ilabas ngayong buwan.
Samantala, nakatakdang ilabas ang kabuuang 500 million piraso ng naturang bagong pera sa 2023.
|| ARGIE ERGINA