Sugatan ang 10 katao matapos sumalpok sa gutter ang sinasakyang van sa Barangay Balubad, Atimonan, Quezon nitong Lunes, Hunyo 24.
Ayon sa report, binabagtas noon ng van ang direksyong northbound nang sumabog ang gulong nito sa likuran na naging dahilan upang mawalan ng kontrol ang driver sa minamaneho at sumalpok sa gutter at sa mga halaman na pagmamay-ari ng 67-anyos na babae.



Dahil dito, nagtamo ng mga injury sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang driver ng van at ang siyam (9) nitong pasahero kung kaya isinugod ang mga ito sa hospital para malapatan ng lunas.
Sa ngayon, nagkasundo na ang mga panig sa mga usapin hinggil sa aksidente.