Nagdadalamhati ang pamilya ng sampung taong gulang na batang lalaki sa Magarao, Camarines Sur matapos itong malunod.
Sa imbestigasyon ng PNP- Magarao, nabatid ng Brigada News FM Naga na matapos na magtinda ng bananaque naghugas ng kamay at paa ang bata sa ilog pero nadulas ito, may sumubok na abutin siya pero napakalakas ng agos ng tubig.
Sa pinag-isang puwersa ng mga nasa disaster response , nagkaroon ng search and rescue operation na kalaunan ay search and retrieval na, hanggang sa natagpuan ang bangkay sa Caragsi, Magarao mula sa Barangay Ponong kinaumagahan.
Hinangan ang bata sa hangarin nitong makatulong sana sa pamilya.