LEGAZPI CITY – Maagang nag-inspeksyon at nag-ikot sa mga paaralan sa Legazpi City si Philippine National Police Bicol Regional Director PBGen. Andrei Dizon kasabay si Albay Police Provincial Office Provincial Director PCol. Julius Cubos Añonuevo upang tiyakin na magiging ligtas at maayos ang pagbabalik-eskwela ng mga mag-aaral at guro sa kani-kanilang mga paaralan.
Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Dizon, sinabi nito na ipinag-utos niya na sa mga pulisya sa bawat probinsya, bayan at lungsod na kailangang maglagay ng mga pulis sa mga pampublikong paaralan, matataong lugar at kalsada upang masiguro ang kaligtasan at seguridad ng publiko.
Ayon pa kay Dizon, magsasagawa rin ng information drive at dayalogo sa mga guro ang kanilang mga tauhan para sa kahandaan ng kanilang yunit sa pagbibigay ng seguridad at suporta.