Sugatan ang tatlong sakay ng isang tricycle matapos mahagip ng tren sa Camalig, Albay nitong nakaraang araw.
Sa CCTV footage, tatawid na sana ng riles ang tricycle subalit bigla itong tumigil at umatras.
Pagdaan ng tren, nahagip nito ang side car ng tricycle at tumilapon ang tatlong sakay nito.
Agad na dinala sa pinakamalapit na hospital ang 1 taong gulang at 2 pang pasahero.
Matapos ang insidente, nag-deploy ng tanod sa may riles upang magbantay.
Pinapaalahanan naman ang lahat ng mga residente na magdoble ingat tuwing dadaan sa riles.