Binawian ng buhay ang isang lalaki habang dalawa ang sugatan matapos bumigay ang Column Bridge 3 sa isang construction site sa Panacan, Davao City.
Kinilala ang biktima na si JP Villanueva Oftana, 19-anyos na steel man, taga Malita Davao Occidental.
Ayon sa mga kasamahan, nasa ilalim ito ng tulay nang bumagsak ang pundasyon kaya nahulugan ng mga bakal na ginagamit bilang rebar sa paggawa ng tulay.
Sugatan rin sa insidente ang mga kapwa steel man na sina Ian Jarol at Rogelio Rojas.
Ang pinapatayong tulay ay proyekto ng DPWH-XI.
Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang insidente para malaman kung may dapat bang managot sa insidente.