1 suspek sa pagnanakaw sa Puerto Princesa, nahuli na!

Arestado na ng Police Station 1 ang isang suspek sa magkakasunod ng nakawan kahapon sa dalawang carwash at tindahan sa Puerto Princesa.

Ayon kay PCMS Eustaquio S. Ferrer, PNCO ng PS1, ang suspek ay nagngangalang Abraham Atienza Fortaliza ng Sitio Bucana, Bgy. Matahimik, Puerto Princesa.

Read More:  He could have built software. Instead, he joined a revolution

Sinabi ni Ferrer na si Abraham ang kumuha o dumampot ng bag at cellphone sa dalawang carwash.

Si Abraham din ang may-ari ng motorsiklo at siya rin umano ang nagmaneho nito kahapon.

“Lumalabas na siya ang kumuha ng bag ng biktima sa carwash…sinabi nya na siya ang nagda-drive [ng motor kahapon ] dahil siya ang may-ari ng motor. ” ani Ferrer sa Brigada.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Kaugnay nito, hindi na narekober ang cellphone maliban sa pera na nakalagay sa bag at ang motorsiklo ng suspek.

Samantala, todo- tanggi ang suspek sa alegasyon.