1 sugatan sa pamamaril sa bayan ng Coron

Sugatan ang isang angkas ng motorsiklo matapos na barilin ganap na ala-una ng madaling araw ngayong Huwebes, July 14, 2022 sa Upper Bancuang, National Highway, Barangay Poblacion 5, Coron, Palawan.

Kinilala ng Coron PNP ang biktima na si AMPER JUNFEL JAMER, 38 anyos, fish vendor.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Sa inisyal na imbestigasyon, bandang ala-una kanina ay binaril umano ng hindi pa nakikilalang suspek o mga suspek ang biktima habang angkas ito ng motorsiklo na minamaneho ni Nolie Edoria Regondula (suzuki skydrive) sa National Highway, Barangay Poblacion 5, Coron, Palawan.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Nagtamo ng sugat sa mukha ang biktima matapos paputokan habang ang driver ay hindi nasugatan. Dinala ang biktima sa Culion Sanitarium and General Hospital.

Samantala, iniimbestigahan na ng pulisya ang basyo ng calibre 9mm na narekober sa crime scene.