Isa sa 10 mga inang nanganak sa bansa ay maituturing na mga adolescent mom, ayon sa Philippines Statistics Authority (PSA).
Ang mga adolescent mother ay mga inang nasa edad 10 hanggang 19 na taong gulang.
Sa kabila nito ay lumalabas na bumaba naman ang bilang ng mga batang ina sa bansa mula noong 2016 hanggang 2020.
Umabot sa -22.7 percent ang ibinaba sa bilang ng adolescent births mula 2016 na nasa 203,085 habang 157,060 births naman nitong 2020.
Batay naman sa datus, ¾ sa naturang panganganak ay mayroong partner o mister na nasa 3 hanggang 5 taong gulang lamang ang tanda sa kanilang asawa o misis.
Nasa 80% naman sa mga ito ay first time mother habang ang 15-17% ay maituturing nang pangalawang panganganak.// MIKE SALGADO
