Muling tiniyak ng China na mas pag-igtingin pa ang ugnayan sa Pilipinas kasabay ng pagkakaroon ng ‘”friendly discussions” para matalakay nang maayos at mapayapa ang ilang mga disputes kabilang na ang isyu sa sigalot ng mga claimants sa West Philippine Sea.
Sa talumpati ni Chinese Ambassador Huang Xilian, ibinahagi niya ang meeting nina Pangulong Bongbong Marcos at Chinese President Xi Jinping, kung saan ang dalawang leaders ay may mahahalagang pinagkasunduan upang palakasin pa ang bilateral relationship ng dalawang bansa.
Pursigido rin umano silang mas paigtingin pa ang kooperasyon ng China atb Pilipinas, at mananatili ang friendly consultation at maayos na paghawak sa disputes.
Ayon kay Huang, plantsado na ang China-Philippines relations at panahon na upang magkaroon ng kongkretong aksyon upang isakatuparan ito.
Wine-welcome din umano nila ang Manila bilang mahalagang katuwang sa modernisasyon ng China.//SMM
