Isinusulong ng ilang grupo na tanggalin sa listahan ng hinihinalang terorista ng Anti-Terrorism Council si dating National Democratic Front (NDF) chief peace negotiator Luis “Louie” Jalandoni.
Si Jalandoni ay kabilang sa anim na umano’y communist leaders at anim na Abu Sayyaf members.
Kinilala siya bilang miyembro ng Communist Party of the Philippines Central Committee at National Democratic Front, at founder ng Christians for National Liberation, na ayon sa ATC ay mga grupo ng terorista.
Ang pagtatalaga sa mga sinasabing grupo ng terorista ay isang kontrobersyal na proseso sa ilalim ng Anti-Terrorism ACT, na nagpapahintulot sa ATC na mag-tag ng mga indibidwal at grupo bilang terorista bago pa ito makapagpakita ng mga ebidensya na papasinungalingan ang paniniwala ng ATC.
Samantala, pinangunahan ni general secretary of the International League of Peoples’ Struggle (ILPS) Liza Masa, ang pakikipagdayalogo kay Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla.
Ang kalihim ng DOJ ay kabilang sa mga miyembro ng ATC. //SMM
