NAGA CITY – Itinuturong mga hindi pa nakikilalang mga armadong grupo ng kalalakihan ang nasa likod ng pandudukot at pamamaslang sa padre de pamilyang si Samuel Bernaldez y Caya, 49 taong gulang, may asawa ng Barangay Camangahan sa bayan ng Balatan Camarines Sur, noong umaga ng Sabado.
Batay sa inilabas na pahayag sa Brigada News FM Naga ni P/Lt. Christine Buen, OIC –chief ng Batalan Municipal Polcie Station, posibleng mga rebeldeng New Peoples Army ang mga ito, dahil sa istilo ng pamamaslang.
Ayon kay Buen, lumabas sa imbestigasyon nila bago pa naganap ang pagpatay sa biktimang si Bernaldez, hiningian ito ng kalabaw ng mga armadong grupo at inaalok na sumapi sa kanilang grupo, kung saan tumanggi ang biktima.
Nabanggit pa ng opisyal na malawak ang pag-aaring lupa ng bitkima kaya ito hinihingian ng hayop.
Ang Barangay Camangahan, isa sa bukid ng lugar sa Balatan, kung saan malayang nakakapag-ikot ang mga armado na namemerwisyo ng mga sibilyan, ayon pa sa opisyal.