Tropa ng pamahalaan sa WESCOM, hinimok ni PBBM na gampanan ang tungkulin ng may integridad at respeto

Pinasalamatan ni Pangulong Bongbong Marcos ang serbisyo at sakripisyo ng tropa ng pamahalaan sa Western Command o WESCOM.

Sa kanyang pagbisita sa Camp General Artemio Ricarte, sa Puerto Princesa City kahapon, binigyang-diin ng Pangulo na hindi nagbabago ang pananaw ng kanyang administrasyon sa kasalukuyang sitwasyon.

Read More:  Sen. Gatchalian says he is ready if chosen as SP

Kung saan nilinaw nya noon pa lang na gagawin ng pamahalaan ang lahat ng kinakailangan upang ipagtanggol ang ating teritoryo, soberanya, at pahihintulutan ang mga Pilipino na gamitin ang kanilang sovereign rights sa loob ng ating Exclusive Economic Zone, lalo na’t may solidong international grounds ang Pilipinas sa West Philippine Sea.

Read More:  “Tapos ang boxing”? Sen. Tulfo confirms fresh talks to replace Senate President Cayetano

Kaya pinasalamatan ni Pangulong Marcos ang WESCOM troops sa pagpapatupad nito, at nanawagan ang Pangulo sa kanila na patuloy nilang gampanan ang kanilang tungkulin sa bansa na may integridad at respeto, tulad anya ng ginagawa nila sa ngayon.

Ayon pa kay Pangulong Marcos, mahalaga ang papel na ginagampanan ng WESCOM sa pagtatanggol ng ating soberanya.