US pres. Biden, pinuri ang commitment ni PNoy sa peace at rule of law

Pinuri ni US President Joe Biden ang commitment ng yumaong dating Pangulong Noynoy Aquino sa pagsusulong ng kapayapaan at rule of law. 

Sa isang statement, kinilala ni Biden si Aquino dahil sa kontribusyon nito para lumago ang ekonomiya ng Pilipinas habang nagsagsagawa ng mga agresibong hakbang para isulong ang rules-based international order. 

Read More:  Marcoleta transferred to Quezon City Jail after hospital clearance

Ang mga hakbang umano ni Aquino ay nag-iwan ng legasiya sa bansa at abroad na tatagal ng ilang taon. 

Nagpahayag din ng pakikiramay ang US president sa mga kaanak ng yumaong pangulo na tinawag nyang mahalagang kaibigan at partner ng Estados Unidos. 

Read More:  Palace says VP Sara’s alleged threat involves national security

Maaalala umano si Aquino sa pagsisilbi sa bayan ng may integridad at ng selfless dedication. 

Mababatid nagsulong si PNoy ng magandang pamamalakad, at dinala ang territorial claims ng China sa international court noong nanunungkulan pa bilang presidente.