Binigyang-diin ng Teachers’ Dignity Coalition (TDC) na may malalaking problemang hindi natutugunan sa sektor ng edukasyon.
Ito ay matapos muling mangulelat sa creative thinking performance ang mga estudyante ng Pilipinas sa Programme for International Student Assessment (PISA).
Nakakuha kasi ng mean score na 14 ang mga fifteen-year-old students ng bansa sa creative thinking assessment sa 2022 cycle ng PISA – dahilan para malagay sa bottom 4 ang Pilipinas mula sa 64 mga bansa.
Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Brigada NewsFM Manila kay TDC national chair Benjo Basas, sinabi nitong kahit kasi mga basic needs ng education sector ay hindi nareresolba.
VC_BASAS_BASIC NEEDS
Giit ni Basas, sa dinami-dami ng naging mga reporma, polisiya, at curriculum na ipinatutupad – hindi pa rin nagbabago at nananatiling kulelat ang mga Pilipinong mag-aaral.
Ibig sabihin aniya nito, may problemang hindi talaga nasosolusyonan ang pamahalaan.
Isa na nga raw rito ang kinahaharap na pagsubok ng mga guro.
VC_BASAS_GURO PROBLEM
Sa huli, sinabi binigyang-diin ni Basas na dapat mabigyang-pansin ng pamahalaan ang mga problemang kinahaharap ng sektor ng edukasyon lalo na ng mga guro.