1 Patay, 6 sugatan sa banggaan ng dalawang sasakyan sa Alicia, Isabela

Isa patay habang anim ang sugatan sa salpukan ng dalawang sasakyan pasado alas-9 kagabi, October 17, 2021 sa pambansang lansangan na sakop ng San Fernando, Alicia, Isabela.

Kinilala ang nasawi na si Alfredo Gumpal, 21-anyos, residente ng barangay Linglingay, Alicia, Isabela.

Habang kinilala naman ang sakay ng nakabanggaang Toyota Innova na sina Raffy Tabalanza, tsuper, 30-anyos, residente ng Pasay City, NCR; Leandro Laddaran, 42-anyos, residente ng Quezon, City, Ricamae Obina, 24-anyos, Rizza Obina, 27-anyos;  Daniel Azucena, 21-anyos at Gilbert Obina na pawang residente ng Gattaran sa lalawigan ng Cagayan.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Sa nakalap na impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa Alicia Police Station, patungo sa hilagang direksyon ang Honda City na minamaneho ni Gumpal habang patungo naman sa kasalungat na direksyon ang Toyota Innova na minamaneho ni Tabalanza.

Nang marating ang pinangyarihan ng insidente ay bigla umanong nawalan ng kontrol sa manibela si Gumpal kaya napunta sa kabilang linya ng daan ang sinasakyang Honda City at nasalpok ng paparating na Toyota Innova.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Dahil sa lakas ng banggaan ay nagtamo ng malalang sugat sa katawan si Gumpal na isinugod pa sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival habang sugatan naman ang lulan ng Innova at dinala na sa hospital.

Samantala, ayon sa imbestigador ng PNP Alicia nasa maayos nang kalagayan ang anim na sugatan.