1, 450 slots inilaan sa Camarines Norte para sa August 2024 Career service examinations

CAMARINES NORTE – Aabot sa 1, 450 slots ang inilaan ng Civil Service Commission para sa Camarines Norte sa August 2024 Career Service Examinations Pen and Paper Test.

Sa inilabas na Regional Advisory ng CSC nitong Miyerkules, 1, 300 ang inilaan para sa professional level habang 150 naman sa sub professional na halos kaparehong bilang noong mga nakaraang kahalintulad na eksaminasyon.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Ang lahat ng aplikante para sa CSE- PPT gayundin ang mga dati nang rehistrado sa pamamagitan ng New Normal Waitlist System (N-list) ay magre-register sa pamamagitan ng link na ibinigay ng CSC simula sa May 10 alas 9 ng umaga hangang mapuno ang slots.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Pag- nakaregister na sa N- list, ang aplikante ay makakatanggap ng notice sa pamamagitan ng N- list system ng schedule at venue details para sa filing of application.