Senador Tulfo, umapelang linisin ng bagong acting president ng PhilHealth ang ahensya

Umapela si Senador Raffy Tulfo kay Philhealth Acting President Emmanuel Ledesma Jr. na linisin ang Philhealth sa korapsyon.

Aniya, kailangang mag-imbestiga sin Ledesma kung sinu-sino ang sangkot sa naturang gawain at mula dito, tsaka lang umani siya maniniwala na magiging maayos na ang takbo sa Philhealth.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Samantala, kasabay ng pangako kay Pangulong Bongbong Marcos na tutugunan niya ang mga ‘shortcomings’ sa ahensya, humiling si Ledesma sa komite ng ‘honey period’ para gawin ang kanyang gawain.

Giit din nito na buhat nang dumating siya sa Philhealth ay wala naman siyang nakitang bahid ng korapsyon.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Dahil dito, na-offend umano si Tulfo sa naging pahayag ni Ledesma dahil may mga imbestigasyong isinagawa dahil sa hinihinalang korapsyon kaugnay ang state health insurer’s fund.

Ani Tulfo, kailangang tagpain na mayroon talagang problema sa Philhealth, at hindi dapat sabihin ng naturang acting president na malinis ang kanilang ahensya.
#