NAGA CITY- Umabot na sa 1, 254, 756 ang nabakunahan laban sa COVID-19 sa Camarines Sur batay sa huling tala ng Department of Health Bicol.
Subalit ang bilang na ito ay 74.83% pa lamang ng 1.6M na target. Pumalo na sa 913, 844 ang fully vaccinated, pinakamarami sa rehiyon ngunit 64.70% pa lamang ito ng 1.4M na target.
Samantala bumaba sa 11 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Camarines Sur, apat ang nadagdag sa new case base sa record ng Environment Disaster Management and Emergency Response Office (EDMERO).
Sa bawat ulat ng DOH sa COVID-19 , naroroon din ang mga batikos na kalokohan ang nasabing virus, tigilan na umano an panloloko sa mga Pinoy. Gayunpaman , sinabi ni Ken Nuyda ng Regional Epidimiological Survellance Unit (RESU) na huwag paring babaliwalain ang social distance at iba pang health protocols , sa pamamagitan nito maiiwasan din ang iba pang sakit.