1.2K BSKE candidates, pinatawag ng COMELEC dahil sa premature campaigning

Nabigyan ng show cause order ang mahigit sa 1,200 kandidato para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election dahil sangkot ang mga ito sa premature campaigning.

Ayon kay Commission on Elections (COMELEC) spokesperson John Rex Laudiangco, nasa 300 pa lang ang tumutugon sa mga napadalhan ng show cause order ng task force against illegal premature campaigning.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Babala ng poll body, mahaharap sa kaso ang sino mang lokal na opsiyal na makikialam sa pagpapalabas ng show cause order at pagtanggal sa illegal campaign para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Nauna nang sinabi ni COMELEC chairman George Garcia na nakatanggap sila ng mga ulat mula sa kanilang lokal na tanggapan na may mga lokal na opisyal sa Bulacan, Laguna, at Surigao na naglabas ng mga banta laban sa mga tauhan ng poll body.