𝗧𝗔𝗧𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗦𝗔 𝗜𝗠𝗣𝗟𝗨𝗪𝗘𝗡𝗦𝗬𝗔 𝗨𝗠𝗔𝗡𝗢 𝗡𝗚 𝗔𝗟𝗔𝗞, 𝗡𝗔𝗟𝗨𝗡𝗢𝗗-𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬

Hindi na nakaahon ang tatlong lalaki sa isang ilog na nasasakupan ng Dicamay, San Mariano, Isabela matapos tumalon sa tubig ang isa sa mga biktima nang makakita ng makislap na bato na inakala umano nitong ginto.

Sinubukan namang iligtas ng dalawa ang unang biktima subalit hindi na rin nila nagawang umahon pa.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, kinilala ang mga biktima na sina Amar Manzano at Jojo Manzano na kapwa residente ng naturang lugar at Tirog Ramos, residente ng Macayu-cayu, San Mariano, Isabela.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Nasa impluwensiya rin ng nakalalasing na inumin ang tatlo nang magtungo sa Zanad Falls na konektado sa ilog na may lalim na sampu hanggang labindalawang talampakan.

Nagpahayag naman ng posibleng ibang anggulo si PSMSgt. Jhonimer Baingan, imbestigador ng San Mariano Police Station sa paraan ng pakakasawi ng tatlo.

Mayroong kweba aniya sa ilalim ng ilog at posibleng nagkatuwaan ang mga biktima na pumasok sa loob hanggang sila’y ma-suffocate.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Nagtagal din ng ilang oras ang search operation sa mga katawan ng biktima kung saan alas-10 ng umaga nangyari ang insidente subalit gabi na nang ma-rekober ang mga ito.

Sa ngayon, nakaburol na ang mga labi nina Amar at Jojo habang inilibing kaagad ang katawan ni Ramos.

Kaugnay nito ay nagbigay din ng babala ang kapulisan sa mga pumupunta sa lugar na huwag na nilang tangkaing pumasok pa sa loob ng kweba upang maiwasan ang trahedya.