𝗧𝗔𝗧𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗡𝗔𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡𝗧𝗜𝗔𝗚𝗢 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗔𝗞𝗧𝗨𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗚𝗨𝗠𝗔𝗚𝗔𝗠𝗜𝗧 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗥𝗜𝗝𝗨𝗔𝗡𝗔

Huli sa akto ang tatlong lalaki kabilang ang isang menor de edad habang sila’y gumagamit ng marijuana sa gilid ng kalsada sa Barangay Rizal, Santiago City.

Kinilala ang  mga naaresto na sina alyas Frank, 22-anyos, alyas Dex, 18-anyos, na kapwa residente ng naturang lugar habang hindi na pinangalanan ang isa pang menor de edad mula sa Santiago City.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News Team, nahuli ang tatlo habang nagro-ronda ang mga awtoridad kung saan napansin ng mga ito ang tatlong kabataan na may ginagawang kahina-hinala.

Kaugnay nito, lumapit ang mga pulis  sa tatlo kung saan nadiskubre na gumagamit sila ng pinatuyong dahon ng marijuana na itinapon pa ng isa sa kanila sa damuhan.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng pulisya ang mganaaresto at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Acts of 2002.