𝗣𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗡𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝟱𝗜𝗗 𝗘𝗠𝗘𝗥𝗚𝗘𝗡𝗖𝗬 𝗥𝗘𝗦𝗣𝗢𝗡𝗦𝗘 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗔𝗡𝗬, 𝗡𝗔𝗚𝗦𝗜𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗡𝗔

Binuksan na ang Humanitarian and Disaster Response (HADR) Class 01 – 2023, kahapon, August 20, kung saan nagsimula na rin ang kanilang pagsasanay para sa Emergency Response Company (ECR) ng 5th Infantry Division sa the 5th Division Training School (5DTS).

Layunin nito na mas lalong linangin ang kaalaman at kasanayan ng ating military sa pagpapanatili ng seguridad ng buhay at hanap-buhay ng mga tao tuwing mayroong mga kalamidad.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Nagsilbi namang panauhing tagapagsalita sa unang araw ng pagsasanay si Ginoong Jan Paul Galiza, ang Rescue Chief ng 1124 na naka-base sa lungsod ng Ilagan.

Sasabak ang ERC HADR Class 01-2023 sa pagsasanay sa Earthquake Search and Rescue Operations, Water Search and Rescue Operations, at Mountain Search and Rescue Operations na tatagal naman ng limang magkakasunod na katapusan ng linggo.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Ang ERC HADR Class 01-2023 ay binubuo ng 44 na miyembro kung saan si Major Karl Vincent Collado of 5DTS ang magsisilbing Course Director.