𝗡𝗣𝗔 𝗔𝗧 𝗠𝗜𝗟𝗜𝗧𝗔𝗥, 𝗡𝗔𝗚𝗞𝗔-𝗦𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗚𝗔𝗧𝗧𝗔𝗥𝗔𝗡; 𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗣𝗔 𝗠𝗘𝗠𝗕𝗘𝗥, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬

Nasawi ang dalawang miyembro ng NPA matapos ang sagupaan sa pagitan ng kanilang grupo at ng 95th Infantry Battalion kaninang umaga sa Barangay San Carlos, Gattaran, Cagayan.

Sa inisyal na impormasyong ibinahagi ng 5th Infantry Division, Philippine Army, tumagal ng limampung minuto ang nangyaring sagupaan.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Kinumpirma na isang babae at isang lalaki mula sa panig ng NPA ang nasawi habang wala namang casualty sa pwersa ng pamahalaan.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Narekober naman mula sa pinangyarihan ng engkwentro ang iba’t ibang kagamitan.

Sa ngayon ay inaalam pa ng 5th ID, PA ang pagkakakilanlan ng mga nasawi.